Walang magaganap na rotational brownout sa Luzon.
Ito ang tiniyak ng National Grid Corporation sa kabila pagtataas sa red alert status ng Luzon grid kahapon.
Ayon kay NGCP Spokesperson Cynthia Alabanza, naagapan naman ang sitwasyong ito sa pamamagitan ng Interruptible Load Program ng pamahalaan kayat agad ding naibaba sa yellow alert status ang Luzon Grid.
Sa kabila nito, patuloy ang paki-usap ng NGCP sa hanggat maaari ay magtipid sa kuryente ngayong panahon ng tag-init.
By Ralph Obina