Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangambang magkaroon ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng malakas na lindol sa Japan.
Ayon sa PHIVOLCS, base sa kanilang datos, hindi nagkakaroon ng banta ng tsunami base sa layo at lalim ng nangyaring lindol.
Dakong alas-5:00 ng umaga nang maitala ang lindol, malapit sa east coast ng Honshu Japan na may lalim na 10 kilometro.
Una nang nagkarOon ng halos 60 Sentimetro ng tsunami sa bahagi ng Fukushima sa Japan.
By Len Aguirre