Nanganak na ang panganay na anak ni Robin Padilla na si Queenie nitong Huwebes, Hulyo 27.
Nag-post si Queenie sa kanyang Instagram account ng litrato ng panganay niyang anak, kasama ang Pakistani husband na si Usman Rashid Mir.
Gayunman, mas pinili ni Queenie na huwag ipakita ang mukha ng kanilang baby girl bilang privacy.
Taong 2012, ikinasal sina Queenie at Usman, subalit nito lamang Marso 2017 nang makuha niya ang blessing mula sa kanyang ama na si Robin.
Samantala, inaasahang manganganak din ngayong buwan ang kapatid ni Queenie na si Kylie Padilla.
- Meann Tanbio