Muling dinapuan ng COVID-19 ang panganay na anak nina Kryz Uy at Slater Young na si Scott Knoa.
Napagdesisyunan ng mag-asawa na isailalim sa test ang kanilang anak matapos magpositibo sa virus ang dalawa nilang helpers, na palaging kasama ni Scott at kapatid nito na si Sevi.
Sinabi ni Kryz na kumonsulta na rin siya sa kanyang pediatrician at pinayuhan siya nito na hangga’t maaari ay i-isolate ang kanyang sarili sa anak.
Gayunman, sinabi ni Kryz na imposible ito dahil umiiyak si Scott kapag malayo ito sa kanya.
Bagamat hindi binanggit ng mag-asawa kung nagpa-test sila, sinabi ni Kryz na itinuturing niyang positibo na siya sa nakahahawang sakit dahil sa direct contact kay Scott.
Matatandaang noong Enero nang unang magpositibo sa COVID-19 si Scott.