Hindi pa nakikita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pangangailangan ng expansion sa number coding scheme.
Ayon kay MMDA General Manager At Officer in Charge Romando Artes, magdidisisyon ang ahensya sakaling hindi na kaya o talagang masikip na at kailangan nang magbawas ng bilang ng mga sasakyan sa kalsada.
Ipinaliwanag naman niya na tumaas ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA nang malipat sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 3 ang NCR.
Sa kasalukuyan, ang number coding scheme ay ipinapatupad tuwing weekdays, 5:00 p.m. Hanggang 8:00 p.m., maliban sa mga holiday, at sumasaklaw lamang sa mga pribadong sasakyan. - sa panulat ni Airiam Sancho