Maraming bakanteng posisyon para sa mga guro sa Math at Science.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, malaki pa rin ang pangangailangan sa bilang ng mga guro sa kabila ng pagkaka-hire sa halos 200,000 guro sa pagitan ng 2010 at 2016.
Sinabi ni Briones na nasa mahigit 15 bilyong piso aniya ang nakalaan para sa pag-hire ng mahigit 53,000 mga bagong guro.
Hinihikayat din ng DepEd ang mga nagtapos ng kursong Math, Science, Engineering o Technical Vocational Courses sa TESDA na mag-apply bilang part-time senior high school teacher.
By Ralph Obina