Bilang bahagi ng national Dental Health Month, narito ang ilang tips kung paano mapangangalagaan ang dental health.
Una, gumamit ng toothpaste na may fluoride sa pagsisipilyo at gawin ito nang dahan-dahan.
Ikalawa, gumamit ng dental floss, o plastic pick sa paglilinis ng ngipin.
Ikatlo, regular na bisitahin ang inyong dentista para sa check-up at professional cleaning;
At mainam din na kumain ng well-balanced diet at iwasan ang matatamis na inumin. – Sa panulat ni Roma Molina