Binigyang diin ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Director Asis Perez, na kailangang pangalagaan ang kapakanan ng maliliit na mangingisda.
Ayon kay Asis, ito ang dahilan kung bakit isinasalang sa konsultasyon ang pag-amyenda sa Fisheries Code of the Philippines.
Sinabi ni Perez na kapag lahat ng alituntunin sa Fisheries Code ay nasunod, makikinabang dito ang mahigit sa 1.3 milyong mangingisda.
“Mga 1.7 po ‘yung total, mga 200,000 po dito ay ang tinatawag natin nasa industrial at commercial, ang makikinabang po talaga sa pagtanggal ng lahat ng iligal at pumapasok sa mga bawal na lugar, ang makikinabang po dito ay mga 1.3 million.” Pahayag ni Perez.
Samantala, kinontra ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pahayag na hindi nito tinutulungan ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Sinabi ni BFAR Director Asis Perez, na maliban sa mga barko ng BFAR na nagpapatrolya sa lugar, naglatag din sila ng mga payaw sa lugar, para mas ligtas na makapangisda doon.
Ipinaliwanag din ni Asis na ang kadalasang nagututungo sa Bajo de Masinloc ay ang mga commercial fishermen at hindi ang mga sinasabing maliliit na mangingisda.
By Katrina Valle | Karambola