Nanawagan si Senador Juan Miguel Zubiri sa militar at pulisya na pag-ibayuhin ang pangangalap ng intellegence report.
Ito’y makaraang mauna pa ang Amerika, Australia at Canada na maka-alam sa paglusob ng bandidong Abu Sayaf sa Central Visayas partikular na sa Inabangga, Bohol kamakailan.
Ayon kay Zubiri, naka-a-alarma aniya iyon dahil turismo pa naman ang pangunahing puhunan at pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga Central Visayas tulad ng Bohol, Cebu at Negros.
Kasunod nito, hinikayat din ni Zubiri ang lokal na pamahalaan sa naturang rehiyon na maging mapagmatyag sa kanilang pamayanan upang makatulong sa pagbabantay laban sa posibleng pag-atake ng mga bandido.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno