Pinaaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC)ang mga kandidato na bawal nang mangampanya simula bukas, isang araw bago ang eleksyon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, sa ilalim ng Omnibus Election Code ay mayroon hanggang ngayong araw na lamang ang mga kandidato para mangampanya.
Samantala, simula bukas ay ipatutupad din ang dalawang araw na liquor ban.
Ito’y kung saan mahigpit na ipagbabawal ang pagbebenta, pagbili, pagsisilbi at pag-alok ng mga nakalalasing na inumin.
Gayunman, maaaring kumuha sa COMELEC ng exemption sa liquor ban ang mga hotel at establisimyento na sinertipikahan ng Department of Tourism bilang tourist oriented.
By Ralph Obina