Mahigpit na ipagbabawal sa Panagbenga Festival sa Baguio City ang pangangampanya ng mga pulitiko.
Ayon kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, ipagbabawal sa okasyon ang pakikipagkamay ng mga pulitiko maging ang pagsusuot at paghahagis ng campaign materials.
Binigyang diin ni Domogan na tanging ang mga opisyal lamang ng lungsod at ibang probinsya ang maaaring makibahagi sa parada.
Nitong mga nakaraang araw ay dagsa na ang mga lokal at dayuhang turista sa City of Pines para saksihan ang engrandeng Panagbenga o flower festival sa lungsod.
By Ralph Obina