Mahigit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa gaganaping PMA o Philippine Military Academy annual alumni homecoming sa Baguio City ngayong weekend.
Ito ang mahigpit na bilin ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal, Jr.sa mga dadalong alumni, honorary class members at iba pa.
Kaugnay nito, sinabi ni Jaime Delos Santos, chair ng PMA Alumni Association Incorporated, mahigpit na pagbabawalan ang mga honorary members na tumatakbo sa anomang posisyon na makiisa sa tradisyunal na pass and review.
Aniya, ipinagbabawal din anomang campaign streamers at stickers sa PMA grounds sa mismong programa ngunit maari naman na maglagay ng welcome banner sa kalsada papunta sa Fort Del Pilar.