Pinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tradisyunal na pangangaroling tuwing Pasko.
Ito’y para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, ang pagkanta ang isa sa mga aktibidad na itinuturing na dahilan para kumalat ang COVID-19.
Maglalabas umano sila ng resolusyon kaugnay sa nasabing panuntunan.
Kasabay nito hinikayat ni Galvez ang publiko na limitahan ang christmas celebrations kasama ang pamilya upang maingatan ang bawat isa laban sa nakahahawang sakit.
Dagdag pa nito, kaunting tiis na lang umano at malapit nang magkaroon ng bakuna.