Pinuri ni U.S. President Donald Trump ang matagumpay at maayos na pangangasiwa ng gobyerno ng Pilipinas sa nagpapatuloy na 31st ASEAN Summit and Related Summits.
Ayon kay Trump, ikinalulugod niya ang mahusay na pagtrato ng Pilipinas sa mga matataas na pinuno ng mga bansang dumalo ngayon sa ASEAN Summit.
Binigyang diin pa ni Trump na ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas at Amerika ay mananatiling matatag.
Pinapurihan din ng Pangulo ng Amerika ang naging aktibidad dahil sa mga magaganda at cultural dance number ng mga Filipino performer, sa gala dinner noong Linggo.