Walang epekto sa posisyon ni Philippine National Police-Officer-In-Charge (PNP-OIC) Police Lt. General Archie Gamboa ang naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior Secretary Eduardo Año na i–supervise ang PNP.
Ayon kay Gamboa, mananatili ang kanyang kapangyarihan maliban lamang kung magdesisyon ang National Police Commission (Napolcom) na bawiin ang ilang sa kanyang kapangyarihan.
Sa katunayan aniya, nadagdagan pa ang kanyang trabaho nang bigyan siya ng Napolcom ng kapangyarihan na magtalaga ng police lieutenant colonels at ang pagkakaroon ng observer status sa komisyon.
Wala naman aniyang problema kung matagalan ang pagtatalaga ng pangulo ng bagong PNP chief hangga’t maayos pa ring nagagampanan ng pambansang pulisya ang mandato nito.