Inihayag ng World Health Organization na lubhang mapanganib o “very high” ang epektong dala ng Omicron variant.
Ito ay matapos tumaas sa 11% ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo dahil sa panibagong variant na Omicron.
Ayon sa WHO, mas malakas ang epekto ng Omicron variant kung ikukumpara sa Delta variant na may doble o tripleng pagtaas ng kaso.
Ito din ang nangungunang variant ngayon sa buong mundo partikular na sa Britanya at Amerika.
Gayunpaman, kailangan pa ng karagdagang datos para malaman kung gaano kalubha ang naturang virus pagdating sa paggamit ng mga oxygen at mechanical ventilation.
Bukod pa diyan, kailangan din ng karagdagang datos kung paano nito maaapektuhan ang severity ng nakaraang impeksyon sa COVID-19 maging ng bakunang natanggap ng isang indibidwal laban sa virus. —sa panulat ni Angelica Doctolero