Kailangan pa ring seryosohin ang panganib na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ito ang ipinaalala ni Dr. Jubert Benedicto, Head ng CCU-Management action team sa Philippine General Hospital (PGH) na hindi dapat ipagwalang bahala ang epekto ng virus sa katawan.
Aniya, dapat ding tandaan na ang bakuna bagama’t epektibo laban sa virus ay hindi kayang protektahan ang isang indibidwal na tinamaan ng COVID-19 na makahawa sa iba.
Mababatid na sinabi ni DOH Technical Advisory Group Member Dr. Edsel Salvaña na ang mga matatanda o immunocompromised patients na may COVID-19 ay maaari pa ring maharap sa mga komplikasyon.