Isa namang bagong pag-aaral ang nagkumpirma na mataas ang panganib na magkaroon ng severe dengue ang mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue subalit nabakunahan ng Dengvaxia.
Ang bagong pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine ay pagpapatibay sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat ibigay ang Dengvaxia sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Batay sa kalkulasyong ginawa ng pag aaral, kung ibibigay sa isang milyong bata na may edad siyam na taong gulang ang Dengvaxia, posibleng makaiwas sa hospitalization ang labing isang libong bata at dalawang libo limandaang kaso ng severe dengue.
Gayunman, maaari naman anila itong maging sanhi ng isang libong hospitalizations at limandaang kaso ng severe dengue.
—-