Dumoble ang panganib sa kalusugan at seguridad ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo sa nakalipas na ilang taon batay sa datos ng ILO o International Labor Organization.
Dahil dito, hinikayat ng ILO ang mga employers na seryosohin ang pagtugon sa mga panganib na kinakaharap ng mga manggagawa habang sila ay nagtra-trabaho.
Pinaka-madalas anyang biktima ang mga manggagawa na may edad 15 hanggang 24 na taong gulang dahil sa kakulangan ng kaalaman sa uri ng kanilang pinasok na trabaho.
Matindi rin ang panganib na kinakaharap ng mga manggagawa sa larangan ng agrikultura, mining at manufacturing sector.
Dahil dito, sinabi ni Katherine Brimon, Project Coordinator ng Safe Youth at Work Program ng ILO na dapat gastusan nila ang paglalagay ng safety mechanisms para sa kanilang mga empleyado.
By Len Aguirre