Isinailalim na sa extreme enhanced community quarantine ang buong lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay makaraang makapagtala na ng apat na kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar, kung saan dalawa sa mga ito ay pumanaw na.
Sa ipinalabas na executive order ni Pangasinan Governor Amado Espino III, nakasaad na ang dalawang pasyenteng nasawi ay mula sa bayan ng Bayambang at Rosales habang ang nalalabing dalawa ay kapwa mula sa bayan ng Malasiqui.
Epektibo naman alas-8 kagabi, March 23, hanggang hatinggabi ng katapusan ng March (March 31), wala nang papayagang makapasok at makalabas sa naturang lalawigan.
Samantala, umiiral din ang enhanced community quarantine sa barangay Bayambang at Malasiqui –nangangahulugan ito na walang residente ang pupwedeng makalabas sa kanilang mga tahanan.