Naka-blue alert na ang lalawigan ng Pangasinan bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Bagyong Rolly.
Nangangahulugan itong naka-alerto na ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kabilang ang pagpo-posisyon ng rescue equipment.
Mino monitor din ng mga otoridad ang water level sa iba’t ibang ilog sa Pangasinan gayundin ang San Roque Dam.
Kumilos na rin ang mga residente at pinatibay ang kanilang mga bahay partikular ang kanilang mga bubong sakaling manalasa ang Bagyong Rolly na maaaring magdala malalakas na ulan at hangin na nasa signal number 3 o 4.
Inaasahang magla landfall ang Bagyong Rolly sa Central Luzon Quezon area sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga.