Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Agno, Pangasinan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang pagyanig kaninang alas-otso ng umaga. Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na labing-isang kilometro.
Wala namang inaasahang danyos sa imprastaktura o aftershocks sa naturang pagyanig.