Dalawang beses na niyanig ng magnitude 4.4. na lindol ang lalawigan ng Pangasinan mula kagabi hanggang kaninang madaling araw.
Naitala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PHIVOLCS) ang unang pagyanig dakong alas-9:51 kagabi sa layong 57 kilometro timog silangan ng Agno sa lalawigan ng Pangasinan.
Muli itong nasundan sa parehong magnitude dakong ala-1:16 kaninang madaling araw sa layong 71 kilometro hilagang kanluran ng Agno.
Tectonic ang pinagmulan ng nasabing mga pagyanig na may lalim lamang na isang kilometro mula sa episentro nito.
Kasalukuyan pang kinakalap ng PHIVOLCS ang mga lugar kung saan naramdaman ang mga pagyanig at kung gaano ito kalakas.
By Jaymark Dagala