Pinatawan ng 90 day suspension order ng Sandiganbayan si Pangasinan 5th District Rep. Amado Espino dahil sa kasong graft na kanyang kinakaharap kaugnay sa illegal black sand mining activity sa Lingayen Gulf.
sa limang pahinang resolusyon, inatasan ng 6th Division ng anti-graft court si Espino na pansamantalang ipagpaliban ang kanyang mga tungkulin bilang Kongresista sa loob ng tatlong buwan.
magpapadala naman ang Sandiganbayan ng kopya ng resolusyon kay House Speaker Pantaleon Alvarez para sa implementasyon ng suspension order.
kabilang si Espino sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug matrix nito.
By: Drew Nacino / (Reporter No. 7) Jill Resontoc