Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Pangasinan dahil sa epekto ng bagyong Maring, na pinalala pa ng COVID-19 pandemic.
Umabot na sa P291 milyon ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura sa lalawigan.
Ang Pangasinan ang ikatlong lalawigan sa Ilocos Region na nagdeklara ng state of calamity dahil sa bagyo.
Samantala, simula pa noong Agosto 21 ay patuloy ang paglobo ng COVID-19 cases sa lalawigan kung saan 28 bayan na ang ikinukonsiderang critical zone.
Sa kasalukuyan ay mayroong 1,172 active cases sa Pangasinan kabilang ang halos isandaang bagong kasong naitala, noong Lunes.—sa panulat ni Drew Nacino