Sinita ng isang mambabatas ang pamumutiktik umano ng mga tela at kasuotan na gawa sa makina sa lokal na merkado at inangkat lamang sa labas ng bansa.
Ayon kay Deputy Speaker Loren Legarda, makakaapekto ito sa kabuhayan ng mga katutubong maghahabi dahil tila ginagaya ng mga dayuhan ang disenyo ng mga ito lalo na ang mga tela mula Cordillera.
Dahil dito, isinusulong ni Legarda ang panukalang batas na nagmamandato na dapat bayaran ng royalties ang mga katutubo o Indigenous Peoples sa ginaya o ginamit na cultural properties ng mga ito.