Bahagyang humupa ang panggigipit ng China sa mga Pinoy sa West Philippine Sea makaraang maghain ng panibagong diplomatic protesta ang Department of Foreign Affairs.
Ayon kay Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez, Commander ng AFP-Western Command at Area Task Force West, isa sa patunay ang nabawasang mga radio message na ipinadadala ng tsino sa mga Pinoy sa pinag-aagawang karagatan.
Kung noon anya ay madalas binubulyawan at itinataboy ng mga tsino sa pamamagitan ng radyo ang mga Pinoy,ngayon ay natigil o kung hindi man ay nabawasan na ito matapos ihain ang protesta.
Tiniyak naman ni Enriquez ang patuloy na pagpapatrol ng Philippine navy sa mga bahagi ng West Philippine sea na kine-claim ng bansa.