Nabunyag ang umano’y panggigipit ni Quezon City councilor PM Vargas kay 5th district congressional candidate na si Rose Nono Lin
Ito ay matapos mabisto ng kampo ni Lin ang siyam na tauhan niyang nagsisilbing espiya ng kampo ni vargas at nakikipag-sabwatan sa isang Sabel o alias Sybhel kasunod na rin nang pagsasampa ng kasong vote buying kay Lin na mahigpit namang itinanggi nito.
Ayon kay Atty. Manuel Jeffrey David, abogado ni Lin, matinding epekto sa physical at mental health ng kanilang kliyente ang idinudulot ng walang humpay na pagsasampa ng vote buying charges laban dito na nakakasira rin ng kanyang reputasyon.
Inilabas din ng kampo ni Lin ang mga screenshot ng text messages at chat sa facebook nina alias Sybhel na empleyado umano ng kapatid ni Councilor PM Vargas na si incumbent district 5 congressman Alfred Vargas at isang bayarang undercover staff o espiya sa kampo ni Rose Nono Lin hinggil sa pagdidiin dito sa vote buying incidents.
Ang nasabing espiya sa katauhan ni Mojica Cabazares ay umamin at nagbunyag sa kampo ni lin ng planong pagsasampa ng vote buying cases laban kay lin kapalit nang pagbabayad ng medical expenses ng buntis na anak at piyansa sa nakakulong na kapatid.
Iginiit ni Cabazares na malinis si lin samantalang marumi talagang lumaban sa eleksyon ang mga Vargas.