Ginagapang na umano ng mga anti-Duterte groups ang ilang opisyal ng gobyerno para magsagawa ng mass resignation bago ang ikalawang SONA o State of the Nation Address ni pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang ibinunyag ni Senador Alan Peter Cayetano upang mabigyang bigat ang planong pagpapatalsik sa pangulo sa kapangyarihan at tuluyang paralisahin ang pamahalaan.
Partikular na tinukoy ni Cayetano ang mga opisyal na nasa holdover capacity, mga pa-retiro na at iyong mga nanganganib masibak ang aniya’y kinukumbinsi para bawiin na ang kanilang suporta sa pangulo.
Giit pa ni Cayetano, ito aniya ang ganti ng mga grupong tutol kay Pangulong duterte makaraang hindi magtagumpay ang ikinasang people Power laban sa pangulo nuong Pebrero a-beinte singko.
By Jaymark Dagala