Hinimok ng bayan muna party-list ang Kamara na kondenahin at imbestigahan “in aid of legislation” ang ginawang panghihimasok ng isang Chinese naval vessel sa Sulu Sea.
Naganap ito mula ika-29 ng Enero hanggang Pebrero 1, 2022.
Unang namataan ang nabanggit na People’s Liberation Army Navy Electronic Reconnaissance ship sa Philippine Waters dahilan para ipatawag ng Department of Foreign Affairs si Chinese Ambassador Huang Xilian.
Nitong Miyerkules nang sabihin ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na maghahain ng diplomatic protest ang DFA.—sa panulat ni Abby Malanday