Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang motu proprio investigation nito sa paghostage kay dating Senador Leila De Lima at pagkakapatay sa tatlong hostage taker na nagtangkang tumakas sa Camp Crame.
Ayon sa CHR, layunin ng imbestigasyon na matukoy ang katotohanan at sino ang mga dapat managot.
Nangangamba rin ang komisyon para sa kaligtasan ni De Lima, na nagsilbing chairperson nito noong 2008 hanggang 2010.
Naganap ang insidente kahapon habang naghahatid ng pagkain ang duty personnel na si Corporal Roger Agustin sa mga persons under police custody sa maximum security compound.
Pinagsasaksak si Agustin ng mga hostage-taker gamit ang improvised na kutsilyo subalit nakaligtas at sa gitna ng komosyon ay hinostage ng isa sa mga bilanggo si De Lima.
Gayunman, nakaligtas ang dating mambabatas habang napatay ng mga pulis ang tatlo na napag-alamang pawang miyembro ng teroristang grupong Abu Sayyaf.