Ipinag utos ng Department of Interior and Local Government sa Philippine National Police na mas paigtingin pa ang pang huhuli sa mga gumagawa, nagbebenta at gagamitin ng mga iligal na paputok.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat na doblehin ng pulisya ang pag momonitor at pag iinspeksiyon para siguruhing hindi kakalat sa merkado ang mga ipinagbabawal na paputok.
Katuwang ng PNP ay ang Bureau of Fire Protection sa kampanya laban sa pag gamit ng paputok.
Nag paalala naman si Año sa publiko na gumamit ng mas ligtas na pampaingay sa pagsalubong ng bagong taon tulad ng pagpapaingay ng busina, pagsipol, malakas na musika at pagkalampag ng mga kaldero at palanggana.