Paiigtingin na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang paghuli sa mga jaywalker.
Sa pulong ng Metro Manila Council, nagkasundo ang mga alkalde na ipatupad ng MMDA ang traffic management code o anti-jaywalking ordinances sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.
Bukod sa EDSA, tututukan na rin ng ahensya ang iba pang pangunahing kalsada gaya sa Commonwealth Avenue, Roxas Boulevard at Aurora Boulevard.
Nasa limampu’t isang libo apatnaraang (51,400) violator ang nahuli ng MMDA noong isang taon subalit mahigit apatnapu’t dalawang libo (42,000) ang hindi pa nakapagbabayad ng multa o community service.
—-