Pinaigting ng NCRPO ang kampanya sa paghuli sa mga nasa kalye na walang damit pang itaas.
Ipinabatid ito ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar kasunod na rin ng halos 25,000 naaresto na half naked o mahigit pitong prosyento ng kabuuang halos 350,000 violators sa Metro Manila.
Sinabi ni Eleazar na pinaka marami pa ring naaresto ay dahil sa paninigarilyo na nasa mahigit 100,000.
Ang Quezon City Police District (QCPD) ang top performer sa istriktong pagpapatupad ng local ordinances kung saan umaabot sa halos 2,000 ang lumabag o 56 na porsyento ng kabuuang bilang ng naaresto sa buong rehiyon kabilang ang paghuli sa mga umiinom sa kalye at lumalabag sa curfew hours.
Nilinaw naman ni Eleazar na pinakakawalan kaagad ang mga lumabag matapos mabigyan ng babala habang ang iba ay pinagmulta.