Hinamon ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan bilang “urgent” ang anti-political dynasty bill para tuluyan nang matuldukan ang oligarko sa bansa.
Ayon kay Pangilinan, matagal nang nakabinbin ang naturang panukalang batas at hanggang sa ngayon ay hindi pa ito umuusad sa kongreso.
Aniya, gagalaw lamang ang naturang panukala kung mayroong utos na manggagaling sa pangulo.
Kasabay nito, inihayag ng senador ang kaniyang pagsalungat sa pahayag ng pangulo na nabuwag na nito ang oligarko sa bansa kahit hindi nagdedeklara ng martial law.
Giit ni Pangilinan, ang oligarkiya kasi ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang pamilya sa kapangyarihan galing sa iba’t ibang henerasyon.