Hindi dapat binibitin ang allowance at iba pang benepisyo ng mga healthcare worker ng bansa na itinuturing ngayong bagong bayani sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang iginiit ni Senador Francis Pangilinan mataposang inilunsad na rally ng ilang healthcare worker sa tanggapan ng Department Of Health, sa Maynila na kanilang pinagbabato ng kamatis.
Ayon kay Pangilinan, dapat ituring ng gobyerno na seryosong babala ang protesta ng mga naturang manggagawa upang kumilos na at ibigay agad ang kanilang benepisyo.
Nanawagan din ang Senador sa DOH maging sa Department of Budget and Management na maghanap ng mga paraan kung paano mapabibilis ang pagpapalabas sa benepisyo at allowance ng healthcare workers.—sa panulat ni Drew Nacino