Iminungkahi ni Sen. Francis Kiko Pangilinan na payagan ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng granular lockdown sa kanilang nasasakupan.
Ito’y sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Pangilinan sa halip na national modified quarantine, dapat na bigyang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na gawing granular ang lockdown dahil sila aniya ang nakakaalam kung dumarami ba o hindi ang mga nagkakasakit sa kanilang lugar.
Sila rin ang higit na nakakaalam ng mas epektibong pagkontrol ng virus sa kanilang nasasakupan.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Pangilinan ang kahalagahan ng contact tracing at mass testing para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.