Kinuwestyon ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang batayan ng pagpapalaya sa mga convict ng mga “heinous crime” o karumal-dumal na mga krimen.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Bureau of Corrections na umabot na sa 2,000 inmates na convicted sa heinous crime ang napalaya mula pa noong 2014 dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Pangilinan, dapat ay mapatunayan kung talagang kwalipikado ang naturang mga napalayang convict.
Sa oras aniya na hindi mapatunayan na sakop ng GCTA ang mga napalayang convict ay dapat silang maibalik sa kulungan.
Bukod dito, dapat din umanong papanagutin ang nasa likod ng pagpapalayang ito.
Una rito, sinabi ng Malakaniyang na dapat na ibalik sa kulungan ang mga napalayang convict sa heinous crimes.