Inihain ngayon ni Senator Francis Kiko Pangilinan ang senate resolution number 616 na humihikayat sa senado na tutulan ang pag-terminate ng Department of National Defense sa 1989 UP-DND agreement.
Ang hakbang ni Pangilinan ay bilang pakikiisa sa pagpalag ng mga estudyante at mga alumni ng University of the Philippines sa naturang aksyon ng DND.
Hinikayat ng resolusyon ni Pangilinan na magsagawa ng dayalogo upang humanap ng paraan sa pagsusulong kapayapaan, seguridad habang pino-protektahan ang academic freedom.
Giit ni Pangilinan, dayalogo ang kailangan at hindi panggigipit ang dapat na ilapat sa mga kabataang lalong nanggigigil kapag lalong pinipigil.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)