Pinasalamatan ng business tycoon na si Manuel Pangilinan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ipinakita nitong sinseridad at kabutihan.
Kasunod naman ito ng paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte sa nabitiwan niyang masasakit na salita laban sa ilang malalaking negosyante sa bansa tulad ni Pangilinan at ng mga Ayala.
Sa kanyang Twitter post, tiniyak din ni Pangilinan na patuloy na magiging katuwang ng pamahalaan ang MVP Group sa pagtugon nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
I would like to thank the President for his remarks tonight, most especially for his sincerity and kindness.
— Manny V. Pangilinan (@iamMVP) May 4, 2020
Sa pagharap ni Pangulong Duterte sa publiko kagabi, humingi ito ng paumanhin sa mga negosyanteng minsan niyang tinuligsa.
Pinasalamatan binigyang pagkilala din ng punong ehekutibo ang mga naging kontribusyon ng mga ito sa pagaharap ng bansa sa krisis dulot ng COVID-19.