Inihayag ni Presidential Adviser on Food and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangilinan na walang pekeng bigas sa bansa.
Inihayag mismo ito ni Pangilinan batay sa pinal na resulta ng pagsusuring ginawa ng iba’t ibang kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Ilan sa mga nagsagawa ng magkakahiwalay na pagsusuri ay ang National Food Authority (NFA), Department of Science and Technology (DOST), Criminal Investigation and Detection Group o CIDG, Philrice, International Rice Research Institute, Research Institute for Tropical Medicine at Food and Drug Administration.
Bagama’t hindi peke ang sinasabing bigas, kinumpirma ng NFA na mayroon itong kemikal na tinatawag na dibutyl phalate na siyang pangunahing sangkap sa paggawa ng plastik.
By Jaymark Dagala