Ikinalugod ng Chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food na si Senador Kiko Pangilinan ang balitang nakapaglalayag at nakapangingisda na sa Panatag Shoal ang mga Pinoy na mangingisda simula Oktubre 16 nang hindi ginigipit ng mga barkong galing China.
Kahit hindi, aniya, binibitiwan ng Pilipinas at China ang kapwa nila sovereignty o paghahabol sa naturang teritoryo, masaya na rin dahil demilitarized na ang lugar.
Mas mabuti na rin, aniya, ang relasyon ng Pilipinas at China.
Ayon kay Pangilinan, batid namang nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ang Panatag Shoal ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea na siyang pinagtibay ng permanent court of arbitration.
Batay rito, mayroon talagang karapatang makapangisda sa Panatag Shoal ang mga Pilipino.
By: Avee Devierte / Cely Bueno