Bubuksan na ang pangingisda ng tawilis sa Taal Lake pagpasok ng buwan ng mayo.
Ayon kay Diector Wilfredo Cruz ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa CALABARZON, nagtatapos na ng Mayo ang pangingitlog ng tawilis na nasa kasagsagan tuwing Marso at Abril.
Tiniyak ni Cruz na mahigpit na nilang binabantayan ang kalidad ng tubig sa Taal Lake upang maparaming muli ang papulasyon ng tawilis at mailigtas ang mga ito sa tuluyang pagkaubos.
Ang tawilis ang tanging freshwater sardine sa buong mundo at matatagpuan lamang ito sa Taal Lake.
Una nang inilagay ng International Union for the Conservation of Nature ang tawilis sa talaan ng mga endangered species matapos bumagsak ng limampung porsyento ang populasyon nito.
—-