Pansamantala munang ipinatitigil ng mga otoridad sa Aurora ang aktibidad ng pangingisda, paglalayag, at pagsu-surfing sa mga coastal area bilang bahagi ng pag-iingat para sa posibleng pananalasa ng tropical depression Maymay.
Ilang residente na rin ang nag-impake na ng kanilang mga gamit bilang paghahanda sakaling kailanganing lumikas mula sa lugar.
Inabisuhan naman ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang mga opisyal ng barangay na magsagawa ng pre-emptive evacuations sa mga coastal area.
Kaugnay nito, pinayuhan din ng mga otoridad ang mga residente na maging alerto para sa posibleng storm surge at pagbaha. – sa panulat ni Hannah Oledan