Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang isang programang pangkabuhayan para sa mga mangingisda sa lungsod.
Ito ang tinatawag na “Navobangkabuhayan” program kung saan mamamahagi ng libreng bangka ang lokal na pamahalaan para sa mga kuwalipikadong mangigisda.
Kabilang dito ang matutukoy na pinakamahihirap at walang sariling bangka, may tatlo o higit pang kaanak na umaasa, rehistradong mangingisda at botante ng Navotas, walang masamang record at negatibo sa drug test.
Kinakailangan ding may kuwalipikadong kasamahaan na maaari maging co-owner at dapat ding sumama sa paggawa ng mga fiberglass na bangka.
Dagdag ng Navotas LGU, maaari ring mag-apply ang mayroon nang pag-aaring bangka basta’t maipakikitang sira o hindi na ito mapakikinabangan at walang kakayahan ang aplikanteng mangingisda na magpaayos nito.