Ibinunyag ng isang Pinay maid ang umano’y talamak na pang-aalipin sa mga domestic workers sa Hong Kong.
Sa pamamagitan ng mga larawan, isiniwalat ni Xyza Cruz Bacani kung paano minamaltrato at sinasaktan ng mga Tsino ang mga katulong.
Ayon kay Bacani, tila pangkaraniwan na ang modern slavery sa Hong Kong, subalit walang naglalakas-loob na ibulgar ito.
Aniya, madalas ay natutulog ang mga kasambahay sa kubeta, kitchen floors, ibabaw ng kabinet, at baby-changing tables.
Si Bacani ay isa lamang sa halos 400,000 domestic workers sa dating British colony na karamihan ay mula sa Pilipinas at Indonesia.
By Jelbert Perdez