Asahan na ang pangmatagalang epekto ng COVID-19 pandemic sa pamumuhay ng mga Pilipino sa mga susunod pang taon.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi maikakailang marami ang nagbago simula nang kumalat ang COVID-19 at marami pa ang magbabago lalo’t hindi pa humuhupa ang epekto ng pandemya.
Dapat na anyang masanay ang lahat sa health protocols gaya ng social distancing, paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face mask.
Wala na tayong sabing pasyal ng gabi, for those mga anak natin na maliliit,okay lang they have know…wala silang…it will change your life at least forever until mawala ito,” wika ng Pangulo.
Muli namang pinayuhan ni Pangulong Duterte ang publiko na magpabakuna dahil sa posibilidad na marami pang buhay ang mawawala.
It will continue to claim life, kayong mga Pilipino, makinig kayo sa akin, kung hindi kayo magpabakuna,” pahayag ng Pangulong Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino