Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkolekta ng buwis sa mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Ayon kay BIR commissioner Caesar Dulay, kanila lamang na ipatutupad ang Republic Act 11590 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Setyembre.
Aniya, nakasaad sa nabanggit na memorandum ang pagbabayad ng 5% na Gross Gaming Revenues (GGR) o 5% na napagkasunduan na mas mataas sa minimum revenues mula sa kinikita sa mga laro.
Inaasahan naman ng BIR na makakakolekta ito ng kabuuang P76.2-B na buwis sa mga POGO sa 2022 at 2023.—mula sa panulat ni Airiam Sancho