Pinag-aaralan na ng Baguio City ang pagkakaroon ng environmental fee na nagkakahalaga ng P75.
Paliwanag ni Baguio City Vice Mayor Faustino Olowan ito ay para sa dumaraming basura na nakokolekta mula sa mga dumadayong turista.
Ayon naman kay Councilor Marial Mylen Victoria Yaranon, isa sa mga nagpasa ng nasabing ordinansa, pwede nang singilin sa hotel pa lamang na tutuluyan ng turista ang environmental fee.
Ani Yaranon, mapapatunayan naman ng mga turista na talagang sa pangangalaga ng kalikasan mapupunta ang ibabayad nilang environmental fee.
Sa ngayon ay dadaan pa sa deliberasyon ang nasabing ordinansa.