Kinuwestyon ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang pangongolekta ng mga multa mula sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP) ng pribadong sektor, sa pamamagitan ng Private-Public Partnership (PPP)
Ayon kay Salceda, kuwestiyonable na ang ligalidad ng NCAP dahil sa pangongolekta ng pribadong sektor.
Ipinunto ng mambabatas na bagaman ligal ang mga PPP, tila ginagamit anya ito ng mga Local Government Unit para sa implementasyon ng naturang polisiya.
Ipinunto ng Kongresista na hindi maaaring i-atang ng gobyerno ang pangongolekta ng multa sa mga private company gaya ng ginagawa ng mga LGU sa NCAP.
Orihinal anya itong Legislative Power na iginawad sa Executive Branch para sa implementasyon pero hindi maaaring i-atang sa mga pribadong kumpanya.
Binigyang-diin ni Salceda na tanging ang estado ang mayroong “Police Power” na mangolekta ng multa mula sa mga polisiyang ipinatutupad ng gobyerno, tulad ng NCAP at hindi dapat maging “subject” sa isang commercial agreement sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor.